Michael Maybituin's Official WebSite
 

Laking Pasig, Tambay Gapo... (Article 1: Gapo)


 
 
.::News
+ 02.15.06
> News 1

:: Stampede sa Ultra... Sino may kasalanan?

Click Here to Read More...
 
+ 02.15.06
> News 2


:: E-VAT, R-VAT at kung anu-ano pa... Dagdag pahirap sa tao...

Click Here to Read More...

.::Events
+ 02.15.06
> Event 1


:: OnLine na ang Website ko!
:: .com, here I COMe!
Click Here to Read More...

.::Today's Menu


Main Dish
+ Siopao ........ Php 35
+ Burger ........ Php 30
+ Gulaman ..... Php 10

Fruits
+ Juicy Fruit .... Tatlo Dos
+ Friutela ........ Ewan ko

Vegetables
+ Snaku .......... Ewan ko din
+ Boogy Man ... Php 1.00

Laking Pasig, Tambay ng Gapo...

 

Intro...
I was born in Benguet, pero dito na ko sa Pasig Lumaki, nagkaisip at nangulit. Meron akong mga kamag-anak dito mga tito, tita, uncle, auntie, pinsan, dati may LoLo at LoLa pa. Pero di lang naman ako dito tumambay. May mga relatives din ako sa Baguio, Benguet, Zambales, Marikina, Pampanga, Cavite, at Olongapo... ang city na naging tambayan na naming mag pipinsan at mga pamangkin na malapit sa 'kin... na sya ring dahilan upang maisulat ang artikulong ito.

Gapo...
Simula ata elementary ako eh nagpupunta na ako dito. Kasama mama at ate ko. Pero pag uwi sa Pasig, sila nalang dalawa. Naiiwan ako sa Gapo pag bakasyon. Kasama ang pinsan at mga pamangkin ko. Nasaksihan ko ang unti-unting pag-unlad at kung pano naging maliwanag ang syudada na to...

Lahat na ata nandito! Alak, sugal, babae, sigarilyo, droga... "everythings here!" lahat ng bisyo garantisado, pati basag ulo. madalas kami mag-ikot sa gabi. medyo tahimik kasi 'pag walang mga party. Nagbabike kami, minsan walkathon lang habang pinagmamasdan ang paligid. Madaming mapaglilibangan dito, bilyaran, Computer, playstation, bars, restos, at disco. Syempre wala kami pang gimik sa mga chochal na lugar yung tipong gagamit este magwawaldas ng pera. Simpleng tao lang bagamat di maipagkakaila na magagandang lalake... (oh, ako nagkokwento wag na pumalag). Pero kahit hindi kami di-auto, barya lang ang pera sa bulsa, nakakapag enjoy pa din. Sa Nite Market lagi kami dumadaan. marami kasing mabibili. Pero kami window shopping lang solve na. Tapos bilyar, pag uwi playstaion, computer tapos tv habang kumakain ng kung ano ang meron. Madalas abutin ng umaga sa walang katapusang kwentuhan. Pag kami magkakasama parang magkakabarkada lang.

Nung minsan, sa loob ng Base, nagbike kami, tapos biglang umulan kaya umuwi nalang kami. Eh nakita kami nung guard. "San kayo galing?" tanong ng gago "Dyan lang po sa loob" sagot namin "Di nyo ba alam na bawal mag bike dito?" nagtanong nanaman. "Eh hindi po eh" kasi naman kung alam naming bawal magbabike ba kamidun tanga talaga eh. tapos pangalan naman namin tinanong, sagot naman kami. Tapos sabi "taga san kayo?" "taga dito lang po eh ako taga Pasig nagbabakasyon lang". myamya pinalabas na din kami napagod na ata magtanong ang loko.

Tuwing Dec. 25 tsaka Jan. 1 nagtitrip kami. Sound trip din. Si betong (yung pinsan ko) tumakbo pa ng naka baba short at brief sa kalsada. Hehehe tawa kami ng tawa.nagpapatugtog, tumotoma, chumichibog tapos nun balik kwentuhan bago matulog...

Ngayon... malabo na maulit 'yon.
Malamang hindi na...
 
 
  + Home
+ About
+ Site Map
 
Untitled Document
Copyright ice4sale. All Rights Reserved2005. Web Site Designed by: Michael R. Maybituin