Michael Maybituin's Official WebSite
  Laking pasig, Tambay Gapo (Article 2: Pasig... My Home town)  
 
.::News
+ 02.15.06
> News 1

:: Stampede sa Ultra... Sino may kasalanan?

Click Here to Read More...
 
+ 02.15.06
> News 2


:: E-VAT, R-VAT at kung anu-ano pa... Dagdag pahirap sa tao...

Click Here to Read More...
Pasig... My Home town
 
Sa lugar na 'to ako nagkaisip. Ang lugar na tahanan ko na sa loob ng 19 years. Lahat dito naka kalat lang. (pwera pera ha). Tumingin sa kanan, may tambak ng basura, sa kaliwa nagkalat ang mga gaga. Marami ring sira ulo dito. "Name it, We have it!". Snatcher, abusadong driver, tsismosang kapit-bahay, manyakis na mga tambay. yan ang mga nakakalat sa lansangan. May nakita nga ako, tarantado talaga! may aleng bumibili ng housing ng cellphone nya. Eh medyo tanga, di nag ingat ayun nadale ng hablot cellphone. 1...2...3...4...5... Wala na! Tumakbo na yung snatcher habol yung kasama nung ale kaso di umabot napagod kasi agad. Yung snatcher naman naglakad nalang nung napagod... Astig. Parang walang nangyari my instant cellphone na. Ganyan ang kalakaran dito... Kailangan kang mag-ingat. Eh kaso makaligtas ka nga sa snatcher na yan pag-uwi mo naman ibang perwisyo naman ang naka abang. May ilangg mga kapit bahay na talaga namang nakakapag-init ng ulo. Mga bwiset! Shit pati ata pusa ko dinale (di ko sure ha). Magmula sa bata na mukang laman-lupa hanggang sa matandang walang pinagkatandaan.

Pero sa kabila ng mga yan, Astig parin ang Pasig. Meron din namang mga matitino dito. Yung nagtitinda ng balot sa rotonda muka namang mabait. Yung nagtitinda ng buko juice sa palengke binigyan pa ako ng libre. Ayos!
<<<Article 1: Gapo
 
 
  + Home
+ About
+ Site Map
 
Untitled Document
Copyright ice4sale. All Rights Reserved2005. Web Site Designed by: Michael R. Maybituin